Thursday, August 25, 2011

Ako Bilang Isang Musmos Noon


Pag-ihip ng hangin sa kapatagan,
Pag-alon ng tubig sa karagatan,
Paglipad ng mga ibon sa kalangitan,
Saksi ang musmos na mura ang kaisipan.

Lahat ay ibig,
Ngunit di laging madali,
Tulad ng isang mangingibig,
Na pinaghihirapan sa bawat sandali.

Marahil kulang sa kamalayan,
May mga bagay na ayaw pakialaman,
Basta ang mahalaga, ako ay masaya,
Walang inaalala, walang problema.

Sa kakintalan ng isang musmos,
Makulay at kaaya-aya ang mundo,
Maraming nais sa buhay,
At walang pangarap na di mamamatay.